Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kailangang gumawa ka na ng desisyon ngayong araw. Huwag mo na ito patagalin pa dahil magiging tama naman ang gagawin mong pasya.
Love:
Couples: Susubukan mong baguhin ang iyong ayos at mukhang magugustuhan ito ng iyong partner. Mukhang plus points ito para sa iyo.
Money/Career:
Hindi importante kung mahirap ang iyong trabaho. Basta matiyaga ka lang, malalampasan mo rin ang mga ito.
Lucky color: Red
Lucky number: 25
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung bored ka, subukan mong pumunta sa isang malayong lugar o kaya’y magbakasyon sa paborito mong holiday spot. Ilayo mo muna ang sarili sa social media para makapagmuni-muni ka.
Love:
Singles: Lapitan mo siya kung kaya mo. Huwag mong pilitin ang iyong sarili kung hindi mo pa kaya. May tamang panahon para diyan.
Money/Career:
Magaling ka sa iyong trabaho kaya naman marami kang matatanggap na oportunidad dahil dito. Pero mag-ingat ka lang dahil marami ang taong nakamasid sa iyo.
Lucky color: violet
Lucky number: 14
Gemini (May 21 – Jun 20)
Magtiwala sa iyong sarili na kaya mong matapos ang iyong mga gawain. Huwag makinig sa iba lalo na kung kumukontra lang sila sa iyo.
Love:
Couples: Huwag mo masyadong pahirapan ang iyong partner kung may nagawa siyang kasalanan sa iyo. Mapapagod din siyang lambingin ka sa huli.
Money/Career:
Maaaring makatanggap ka ng isang payo galing sa iyong kaibigan at kung susundin mo ito, magkakaroon ito ng magandang impact sa iyong future.
Lucky color: Dark Violet
Lucky number: 9
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Magiging maganda ang araw na ito para sa iyo. Huwag ka rin munang magpautang sa iba dahil malaki ang posibilidad na hindi nila ito mabayaran.
Love:
Couples: Maaaring may pagtalunan kayo ng iyong partner ngayong araw. Kaya naman bawasan mo ang init ng iyong ulo at solusyunan na lang muna ang problemang ito.
Money/Career:
Kung medyo mamalasin ka sa iyong trabaho, huwag masyadong malungkot dahil pansamantala lang naman ito.
Lucky color: Dark Grey
Lucky number: 8
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kailangan mong habaan ang iyong pasensiya ngayong araw. Maaaring tamarin ka pero dapat ay labanan mo ito.
Love:
Singles: Maaaring handa ka na para magkaroon ng love life.
Couples: Kung steady naman ang inyong relasyon, marahil ay panahon na para kayo’y magpakasal.
Money/Career:
Subukan mo ang isang bagay na sa tingin mo ay hindi mo kaya. Maaaring magulat ka sa magiging resulta nito.
Lucky color: Blue
LUcky number: 16
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung meron kang problema, i-share mo ito sa isang kaibigan o kamag-anak. Malay mo at magawa ninyang solusyunan ang iyong problema.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para subukan ninyong dalawa ang isang outdoor activity na parehas ninyong gusto.
Money/Career:
Gumawa ka ng mga bagay na higit pa sa naka-toka sa iyo. Malay mo at mapabilib mo sila sa iyong kakayahan.
Lucky color: White
Lucky number: 15
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Magiging maswerte ka ngayong araw. Magagawa mong solusyunan ang problema ng ibang tao at hahanga sila sa iyo dahil dito.
Love:
Singles: Lumabas ka kasama ng iyong mga kaibigan. Malay natin at baka may makasalubong ka na taong talagang magugustuhan mo.
Money/Career:
May katrabaho ka na matutulungan mo at dahil dito, ililibre ka niya sa labas bilang pasasalamat. Huwag kalimutang magpasalamat.
Lucky color: Cyan
Lucky number: 2
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Sundin mo ang iyong kutob at hinala ngayong araw. Malaki ang posibilidad na magiging tama ang mga ito.
Love:
Ex-couples: Kahit saan ka magpunta, may mga bagay na magpapaalala sa iyo ng mga araw na kasama mo ang iyong ex. Maging matatag lang at makakamove on ka rin.
Money/Career:
Maaaring swertehin ka sa iyong career pero mukhang mapipilitan kang magrelocate para lamang dito.
Lucky color: Black
Lucky number: 5
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung may iaalok sa iyo na oportunidad, kunin agad ito at huwag na magdalawang-isip. Minsan lang ito dumating kaya huwag mo na ito palampasin pa.
Love:
Couples: Maaaring sorpresahin ka ng iyong partner ngayong araw at tiyak na kikiligin ka sa nakahanda niyang sorpresa.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa gobyerno ang trabaho.
Lucky color: Red
Lucky number: 11
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Magtatagumpay ka sa isang bagay na nilaanan mo ng iyong pagod nang mahabang panahon. Makukuha mo ang iyong mga gusto kung magsusumikap ka sa buhay.
Love:
Singles: Maaaring hindi pa ito ang tamang panahon para ikaw ay magkaroon ng love life. Kailangan mo munang maging approachable para magsimula.
Money/Career:
Dahil sa iyong pagsusumikap, maaaring mapansin ka ng iyong boss at maibigay sa iyo ang promotion na matagal mo nang inaasam.
Lucky color: Green
Lucky number: 5
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Maaaring mag-enjoy ka sa isang trip na hindi masyadong pinagplanuhan. Marahil ay talagang natutuloy ang lakad kung biglaan ito at hindi pinaplano.
Love:
Singles: Kung ikaw ay may trabaho, subukan mong yayain sa isang date ang isa mong katrabaho. Marahil ay maging swak kayo para sa isa’t-isa.
Money/Career:
Mag-ingat ka sa isa mong kasama sa trabaho dahil may malaking posibilidad na ipahamak ka niya sa iyong boss.
Lucky color: Blue
Lucky number: 9
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Panahon na para ikaw ay gumawa ng aksyon. Huwag mo na ito i-delay dahil ikaw lang din ang mahihirapan sa huli.
Love:
Singles: Bago ka mahalin ng iba, mahalin mo muna ang sarili mo. Ibigay mo sa iyong sarili ang pagmamahal at respeto na deserve mo.
Money/Career:
Makipagkilala sa iba. Maganda ito para lumaki ang iyong mga koneksyon at umansenso ka sa iyong trabaho.
Lucky color: Blue green
Lucky number: 6