Aries (Mar 21 – Apr 19)
Maaaring makatanggap ka ng payo mula sa isang taong matagal mo na kakilala. Hindi mo man magugustuhan ang kanyang sasabihin, kailangan mo pa rin itong pakinggan.
Love:
Married Couples: Kung kayo ay may anak, siguraduhin ninyong nakakapaglaan kayo ng quality time sa kanila. Makipagbonding din sa kanila para mabawasan ang inyong stress.
Money/Career:
Maaaring pag-isipan mo na magtayo ng sarili mong business. At ito ang magandang panahon para simulan mo ito.
Lucky color: Red
Lucky number: 7
Taurus (Apr 20 – May 20)
May mangyayari ngayong araw na hindi mo masyadong magugustuhan. Maaaring magdulot ito ng pagbabago sa iyong buhay.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong demanding sa iyong partner. Kung ipagpapatuloy mo ito, malaki ang posibilidad na masasakal mo siya.
Money/Career:
Kung ikaw ay may business, magiging maganda ang takbo nito sa mga susunod na araw.
Lucky color: Grey
Lucky number: 6
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag ka masyadong magpanic kung hindi umaayon sa kagustuhan mo ang mga nangyayari sa iyong paligid. Maaaring kailangan mo lang ng bakasyon para mabawasan ang iyong stress.
Love:
Singles: May chance na magbago ang hinahanap mong katangian sa isang future partner. At mukhang emotionally ready ka na para pumasok sa isang relasyon.
Money/Career:
Magagawa mong pagkakitaan ang isang bagay na talagang hilig mong gawin.
Lucky color: Pink
Lucky number: 11
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Maganda ang araw na ito para mag-enjoy lang sa bahay. Manood ng paborito mong palabas sa TV o kaya’y yayain ang pamilya para magkaraoke.
Love:
Couples: Kung lagi ka na lang stressed sa inyong relasyon, marahil ay panahon na para itigil na ninyo ito.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa construction ang trabaho.
Lucky color: Grey
Lucky number: 16
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Magiging pasaway ka ngayong araw. Hindi ka makikinig sa mga sasabihin ng mga tao kaya naman magiging sakit ka ulo para sa kanila.
Love:
Singles: Maging mapili sa mga taong kakaibiganin. Marahil ay friendly lang iba sa iyo dahil mayaman ka at gusto lang nilang magpalibre sa iyo.
Money/Career:
Maaaring gumastos ka ngayong araw sa isang bagay na hindi mo naman talaga masyadong kailangan. Gusto mo lang ito kaya mo ito bibilhin.
Lucky color: Black
Lucky number: 4
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Ingatan mo ang iyong bibig ngayong araw dahil malaki ang posibilidad na may ma-offend kang tao nang hindi mo sinasadya.
Love:
Singles: Magiging emosyonal ka ngayong araw at mabibigla na lang ang mga tao sa iyong paligid sa pagiging sensitive mo.
Money/Career:
Malaki ang posibilidad na may taong magbayad sa iyo ng kanyang utang.
Lucky color: Purple
Lucky number: 5
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag mo masyadong abusuhin ang iyong sarili. Magpahinga ka naman kahit papaano. Hindi makakatulong sa iyo kung magiging sakitin ka sa trabaho.
Love:
Singles: May chance na may taong makipagflirt sa iyo. Pero ingat lang at huwag masyadong magpauto sa mga sasabihin niya sa iyo.
Money/Career:
Kailangan na maipakita mong confident ka sa harap ng mga tao kahit na alam mo sa sarili mo na kinakabahan ka.
Lucky color: White
Lucky number: 17
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
May taong malapit sa iyo ang idadamay ka sa kanyang problema. Kaya naman wala kang choice kundi makinig sa kanyang problema at payuhan siya.
Love:
Singles: Ito ang tamang panahon para sa magsimula ka ng bago. Makipagbati sa mga taong nakaaway mo at bigyan mo sila ng pagkakataong makabawi sa iyo.
Money/Career:
Ituloy mo lang ang pagiging masipag sa trabaho. Malaki ang posibilidad na makuha mo na ang inaasam mong promotion.
Lucky color: Neon Green
Lucky number: 18
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Magiging energetic ka ngayong araw. Magagawa mong tapusin ang anumang pending mong gawain at dahil dito,
magkakaroon ka ng maraming oras para makapagpahinga.
Love:
Couples: Kung parehas na lang kayong nagtitiis sa inyong relasyon, marahil ay panahon na para maghiwalay kayo. Sayang lang ang effort ninyo kung ipagpapatuloy ninyo pa ito.
Money/Career:
Gusto mo ang iyong trabaho at magaling ka naman dito. Pero kung toxic ang iyong mga katrabaho, marahil ay panahon na para lumipat ka sa ibang company.
Lucky color: Brown
Lucky number: 1
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Umiwas ka muna sa pagkain ng junk food. Hindi makakabuti sa iyo kung araw-araw na lang ay palagi kang kumakain nito.
Love
Couples: Kung seryoso ka sa iyong partner, huwag mong hahayaang mawalan ka ng oras sa kanya dahil sa iyong trabaho.
Money/Career:
Ituloy mo lang ang pagiging masipag sa trabaho. Malaki ang posibilidad na makuha mo na ang inaasam mong promotion.
Lucky color: Dark Grey
Lucky number: 6
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Maging sensitive ka sa feelings ng ibang tao. Huwag lang palagi ang sarili mo ang iniisip mo. Matutong makiramdam sa iyong paligid.
Love:
Couples: Ito na ang tamang panahon para i-level up ninyo ang inyong relasyon.
Singles: May malaking chance na may makilala ka ngayong araw at magkakaroon siya ng importanteng role sa iyong buhay.
Money/Career:
Subukan mo ang iyong swerte ngayong araw. Tumaya ka sa lotto at maaaring ma-hit mo ang jackpot.
Lucky color: Green
Lucky number: 18
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Maaaring may matanggap kang malaking pera ngayon kaya naman iwasan mo munang makipagsugal sa kahit na sino.
Love:
Couples: Huwag mo lang lagi idaan sa salita na mahal mo ang iyong partner. Umaksyon ka rin para naman damang-dama niya.
Money/Career:
Kung may plano kang magresign sa iyong trabaho, marahil ay hindi naman ito masamang ideya lalo na kung hindi sapat sa iyo ang iyong kinikita.
Lucky color: Black
Lucky number: 18