Judy Ann Santos recently announced that she has parted ways with longtime manager Alfie Lorenzo.
Now, speaking for the first time, Alfie reacted over the statement of the Kapamilya actress. Courtesy of Abante, Alfie confirmed that Judy Ann went to his condominium unit in Quezon City to formally end her business with the former.
According to Alfie, he was not shocked with Judy Ann’s decision. As a matter of fact, the entertainment columnist said that he felt pity for Judy Ann.
“Ang reaksyon ko, naaawa ako. Sikat na siya eh. Sikat na siya, bakit naghangad pa siya na malaos? Kasi ako ang may lutong Kapampangan, ‘yung mga makikialam na iba sa aking sangkap, maiiba ang luto, maiiba ang lasa,” he said.
Alfie also added, “Sa tagal ko na sa showbiz, more than sixty years na ako, nakita ko na lahat ng pag-uumpisa nila, na-compare ko na lahat.
“Biro mo, extra pa lang si Fernando Poe, Jr., nagdo-double pa lang siya sa babae, nandoon na ako. Lahat na, nakita ko na. Na-analyze ko na kung papaano sisikat, lulubog.”
He continued, “Naaawa lang ako kay Judy Ann dahil siguro akala niya, siya ang nagdesisyon, magtutuluy-tuloy pa rin ang kasikatan niya.”
Commission was the possible cause for Judy Ann’s decision, said Alfie. “Nanghinayang siya sa komisyon, sa dami nga ng mga pumapasok sa kanya ngayon na commercials, sayang naman kung magbibigay pa siya ng komisyon sa akin, ‘di ba?
“Kung siya na lang ang kakausap sa mga advertiser, kanya na rin ang komisyon. Okey lang, nakita ko na ‘yan eh.
“Ganoon lahat ng nasaksihan ko, na-analyze ko, na-interpret ko na ginawa ng mga artista, talagang darating at darating ‘yon.”
He then recalled the time when Judy Ann asked him to manage her career in spite of her marriage with her husband Ryan Agoncillo.
“Lahat ng mga alaga kong babae, kapag nag-asawa na, sige, i-drop ko na. Siya, nakiusap sila ni Ryan Agoncillo, two days bago sila magpakasal.
“Na huwag ko siyang bitawan kahit kasal na. ’Yun na lang daw ang wedding gift ko sa kanila, eh ‘di sige.
“Kasi nga, binitiwan ko lahat ‘yan. Si Ruffa Gutierrez, si Gretchen Barretto, si Sunshine Cruz. Lahat ng mga babae, binitawan ko.
“Ako ang bumibitaw sa kanila. Hindi ako ang naglalaglag.”
Alfie further elaborated, “Si Judy Ann, nagulat ako, 32 years, nilaglag ako. Nakiusap pa nga sila, tapos sabi niya, hindi raw siya ang nagsabi no’n, si Ryan daw ang nakiusap.
“Sabi ko, kanino nagpakasal si Ryan? Sa Philippine Rabbit o sa bulldog?
“Si Ryan naman, ander da saya ba siya, bakit hindi man lang niya ina-advise ang asawa niya? Sabihin niya na huwag mong gagawin ‘yan?
“Ako nga stalker ni Ryan mula sa GMA News sa umaga hanggang malipat sa ABS-CBN, hanggang nabigyan siya ng mga teleserye, tapos isinasama namin sa abroad para mga show hanggang magkapangalan siya.
“‘Di ba dapat e i-advise niya ‘yung asawa niya na huwag mo nang gawin ‘yon, huwag mo nang i-drop. Kapag naisipan natin na maglimos, padalhan.
“You’re making a big thing of 32 years na pagsasama n’yo tapos ida-drop mo kaya nga sabi ko, sana huwag mangyari sa kanila ‘yon.”
“Sa 32 years, kilalang-kilala ko na si Judy Ann kaya nga hindi ko alam kung saan nanggaling ito. Baka ‘yung mga nakadikit sa kanya na dumikit sa kanya ngayong sikat na siya.
“Nasaan ba sila noong hindi pa siya sikat? Nasaan ba sila noong ako ang nangungupahan ng bahay para sa kanya? Ipinagagamit ko ang van ko hanggang siya mismo, tinalbugan niya ako. Nakabili siya ng RoadTrek…”
Asked if he has a message to her former talent, Alfie said, “Anong message ko eh it’s all written in the wind na? Kagaya ng ibang mga galit kay Juday, may mga sinasabi. Mga ipinapaabot ng mga nakikiramay.
“Sabi ko, naku hayaan n’yo na. Hindi naman maaapektuhan ang beauty ko. Wala pa nga si Juday, buhay na ako. I’ve been spending already.
“‘Yung sinasabi nila, iniwan ka na, lahat ganoon. Sabi ko, hindi. Creation ko ‘yan. Kung gusto ko ‘yan na patayin, right now, mamamatay na ‘yan kasi alam mo naman ang mga Pilipino, galit sila sa mga walang utang na loob.”
In the end, Alfie reiterated that he managed Judy Ann for a long time. “Pinalaki mo sila ng 32 years tapos basta ka na lang iiwan. Sila nakiusap na huwag silang bibitawan tapos ako pala ang ilalaglag, masisira siya. Pati sa mga advertisement niya, masisira siya.
“Nilikha ko siya, bakit ko sisiraan. Huwag na lang, hayaan n’yo na.”
Judy Ann made the announcement at the press conference of the third season of “Bet On Your Baby”. The show will mark her return in television after taking hiatus for over a year.