As an actor who experienced both indie and mainstream, Ping Medina revealed he’s a fan of the stars of rival movies in cinemas – “The Super Parental Guardians” and “Enteng Kabisote 10: And the Abangers.”
He also said, “Sa panahon ngayon ng “dilawan” at mga “ka-DDS”, nakakalungkot makita na pati tayo sa industriya at nagaaway away din.”
In the end, he asked everyone, “Tangilikin po sana natin ang PELIKULANG PILIPINO”
The post reads:
Truth: isa akong avid fan ni @praybeytbenjamin. Sobrang tawang-tawa kasi talaga ako kay Vice Ganda pag napapanuod ko siya. Lalo na dun sa prank call niya kay Ogie Diaz sa MOR 101.9. Lakas ng tawa ko kanina! Kakaibang talento talaga siya.
Bukod naman sa pagiging idol ng masa, idol ko talaga si @mr.cocomartin. Batikang actor na ang mga pelikula ay umabot na ng Cannes at kung saan saan pa. Nakita ko kung gaano siya kasipag mag trabaho araw araw na kayod kabayo na minsan nakakaawa na. Kung tanungin mo ako kung sino ang sukatan ng PROFESSIONALISM at ang pag trato sa kapwa katrabaho na TAMA at PANTAY-PANTAY, mapa big star ka man o tiga kuha ng tubig, si Coco Martin yun.
Si Bb. Joyce Bernal naman ay isa sa mga paborito kong director na naka trabaho ko na sa industriyang ito. One of our best creative minds.
Fan rin ako ng Eat Bulaga, isa siyang well-oiled machine na masarap panuorin kapag lunch break mo. Ang galing sa adlib at extemporaneous comedy ng mga host (mahirap yan). Nakakapagpasaya sila ng mga tao araw-araw. At tinitingala ko rin si Marlon Rivera (director) dahil malinis siya gumawa sa lahat ng mga pelikula niya, as evidenced dahil nakapasok sa Magic 8 ang isa niyang pelikula (Septic Tank 2)
Sa panahon ngayon ng “dilawan” at mga “ka-DDS”, nakakalungkot makita na pati tayo sa industriya at nagaaway away din.
Kung pabor ka sa selection ng Magic 8 sa #MMFF2016, sana wag mo maliitin ang preference at taste ng iba. Kumbaga, kanya kanyang trip. Walang basagan.
Kung tutol ka naman sa Magic 8, sana bigyan mo naman ng tsansa ang mga pelikula. Pwede naman ma enjoy ang nakasanayan habang sumusubok din ng bago diba? May tatlong comedy sa #Magic8, at ang favorite ko ay ang romcom na Vince & Kath & James ng Star Cinema.
Napanuod ko ang Super Parental Guardians at Enteng Kabisote 10. Pareho ko sila na enjoy. Showing na sila pareho today.
Kailangan ng local movie industry ng suporta ninyo. Dahil talo talaga kami sa mga big blockbuster Hollywood movies buong taon. Tuwing December lang talaga nakakabawi sa gastos.
Sana magbigay RESPETO tayo sa isat isa. Mag enjoy na tayo at malapit na ang pasko!!! Nagaaway pa kayo hahaha
Tangilikin po sana natin ang PELIKULANG PILIPINO