While some of his colleagues are fighting against the surprised and controversial Marcos burial at the Libingan ng mga Bayani (LNMB), Kapamilya journalist Anthony Taberna chose air a different perspective.
On Instagram yesterday (November 19), Taberna wrote a lengthy message about his thoughts on the burial of Former President Marcos at LNMB.
Taberna wrote on Instagram:
“Kung ako ang tatanungin, mas mainam na nanatili na lamang ang mga labi ni Pangulong Ferdinand Marcos sa Ilocos Norte. Kung ako ang tatanungin, mas maigi na hindi na lamang pumayag ang mayorya ng mahistrado ng Korte Suprema na ipalibing siya sa Libingan ng mga Bayani. Ang problema, hindi naman ako tinatanong. At saka, wala naman akong monopolyo ng opinyon.
Pihado, karamihan sa atin kungdi man lahat ay nabigla nang malaman na andun na sa LB o LNMB ( ano nga ba ang tamang acronym) sa Taguig (dating parte ng Makati) ang pamilya Marcos para sa seremonya ng libing. Naisip ko, naisahan tayong lahat lalona ang mga taong ang default system ng utak ay galit o nasusuklam sa mga Marcos, matanda man o millenials, pulitiko man o aktibista. Nalilito lang ako ng konti dahil ayaw nila na tratuhing bayani si Marcos pero ayaw din naman nilang gawing sikreto o pribado ang libing gaya ng ginawa kahapon. Ano ba talaga Kuya?
Nagsumbong sila sa Supreme Court pero nang hindi nakuha ang gusto, nagalit sa mga mahistrado. Ano kaya’t kung ang ginawa ay ganito – iminartsa ang karwahe mula sa Batac, dadaan sa Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Tarlac, Nueva Ecija, Bulacan hanggang sa EDSA patungong Fort Bonifacio?
Ito ba ang gusto ni Kiko Pangilinan ( LP President) at iba pa? Maliban sa 21-gun salute na ibinibigay sa isang namayapang Pangulo, wala ng anumang palatandaan na hero’s burial kay Marcos. Kahit magbasa tayo ng kasaysayan dito at sa iba pang bansa, hindi papasa bilang hero’s burial
Ang ginawa kay Marcos.Hindi naging bayani si Marcos kahit nalibing pa siya sa LNMB. Kung magiging istrikto tayo, baka nga mas marami pa sa uban (puting buhok) ni Congressman Edcel Lagman ang mga bangkay na nilibing sa LnmB na hindi naman bayani. Nirerespeto natin ang damdamin ng bawat isa pero wag namang OA. May mga kaibigan ako na nakulong at namaltrato noong panahon ng Martial law at ngayon ay umaamin na mas masahol pa sa pangungurakot at pagiging abusado at pagka-inutil ang ilang sumunod kay Marcos.
Tama naman na balikan at mag-aral sa kasaysayan pero ang bumabad dito na wari’y wala nang kasalukuyan at bukas ay baka makapigil sa ating pagtahak sa hinaharap. Ilibing na din natin ang poot sa dibdib.”
Despite protests from human rights groups and officials in the opposition, the former Philippine dictator Ferdinand Marcos was finally buried in the Heroes cemetery in Manila on November 18 almost 30 years after his death in Hawaii,
Rodrigo Duterte, the current president of the Philippines defended the decision over the burial of Marcos, ruling it to be in the public interest, and stressing that the president had been a war veteran.