Patok na patok ang tambalang Kim Chiu at Xian Lim sa ginanap na TSOUristas Global Tour sa Saipan.
Ito ang unang pagkakataong nag-show ang The Filipino Channel para sa ating mga kababayan sa Saipan.
Hindi paawat ang mga Pinoy na nakakagulo mula sa airport hanggang sa mismong show na ginanap sa World Resort.
Maging ang mga immigration officers at mga chamoro ay kilala ang tambalang Macoy at Tin dahil sila raw mismo ay avid viewers ng The Story of Us.
“Nakakawala ng pagod at nakakatuwa ang mainit na pagtanggap nila sa amin sa Saipan,” sabi pa ni Kim.
“I can’t thank them enough dahil walang katumbas ang aura ng mga kababayan natin doon dahil happy lang at napakabait nila,”dagdag pa ni Xian.
Matatandaang mula sa TSOUristas show sa Lucena noong Sabado, direcho sina Kimxi sa airport at balik taping agad kinabukasan para taping ng huling tatlong Linggo ng The Story of Us.
Nakatakda muling umalis ang Kimxi next week 9 para 2nd ng TSOUristas Global Trip sa Chicago sa June 11.