Is Senyora Santibañez paid to promote Rodrigo Duterte for President?
This meme with Senyora Santibañez admin’s face circulated few days ago.
The page started as a parody account channeling the character of “Marimar’s” antagonist Senyora Santibañez (Chantal Andere) with a thing against ugly people acting out of place, malalandi and hampaslupa. Her tweets are harsh but pretty witty, if you’re not the target she’s hitting. The page turned political when Davao City Mayor Rodrigo Duterte bid for presidency last year.
In a lengthy post on Facebook, Senyora Santibañez feels sad with these allegations against her. “Nakakalungkot lang na akala nila lahat ng bagay nababayaran, nakakalungkot na akala nila ang prinsipyo ng isang tao ay nabibili, nakakalungkot lang na sa tingin nila ang pag-asa at paniniwala sa parating na magandang pagbabago kayang tapatan ng pera.”
On this presidential elections, people sometimes forgot, behind these pages are people too…
Here’s the full post on Senyora Santibañez Facebook Page:
BAYARAN?
Nakakalungkot lang na akala nila lahat ng bagay nababayaran, nakakalungkot na akala nila ang prinsipyo ng isang tao ay nabibili, nakakalungkot lang na sa tingin nila ang pag-asa at paniniwala sa parating na magandang pagbabago kayang tapatan ng pera.
Saksi ang lahat ng followers ko sa page na ito sa pagsuporta ko kay Duterte. Hindi pa tumatakbo isa na ako sa mga humihimok sa kanya, isa ako sa mga nainis sa pabago bago n’yang desisyon, isa ako sa mga nalungkot sa pagsabi n’ya na hindi na talaga s’ya tatakbo nung last filing, at lalong isa ako sa mga Pilipinong natuwa dahil sa kanyang desisyon na tugunan ang sigaw ng mga tao na tumakbo s’ya.
Nakakahiya naman po sa mga artistang sina, Chito Miranda, Aiza Seguerra, Robin Padilla, Angelica Panganiban, Eula Valdez, Oyo Boy Sotto, Kristine Hermosa, Richard Poon, MOCHA USON at marami pang iba na binabayaran daw akong milyones para suportahan si Duterte. Lahat kami’y kusang-loob at nagboluntaryong sumuporta dahil pag para sa bayan, hindi binabayaran.
Ganun siguro kalaki ang tulong ko at nila sa kampanya ni Rodrigo kaya pati pagsuporta ko sinasabihang binayaran. Nakakatawa lang dahil sa tinagal ko sa social media ngayon lang ako sobrang nagfocus sa eleksyon dahil naaawa na ako sa Pilipinas. Kung kayo masaya na sa estado ng bansa ngayon, na ang mayayaman lang ang nakikinabang at ang mahihirap ay lalong naghihirap, ako hindi.
Hinding hindi ko pagsisisihan ang araw na nagdesisyon akong suportahan si Duterte, dahil alam ko na iyon ang simula, at isa ako sa tumulong na simulan ang pagbabago para sa Pilipinas.
Nagpapasalamat ako kay Duterte dahil binuhay n’ya ang pagiging Pilipino ko, na binigyan n’ya ako dahilan na maniwala na pwede pang baguhin ang Pilipinas.
At isang pagpapasalamat ulit kay Rody Duterte dahil binago n’ya ang page na Senyora Santibañez na dating puro kalokohan lamang, ngayon nakikiisa sa mga diskusyon sa bansa, naging makabuluhan na ang karamihan ng post ko.
Ganyan ang dinulot ng pagiging makabayan ni Duterte sa akin, at alam kong kaming mga supporters n’yang tinatawag n’yong “Dutertards” ganyan din ang naidulot ni Duterte sa kanila, binuhay n’ya ang pagiging Pilipinong makabayan namin.
Hindi pinagbibili ang pagiging makabayan.
-ADMIN