The open letter of Lourd de Veyra addressed Vic Sotto, open-up his sentiments after watching the Metro Manila Film Festival entry “My Little Bossings.” He pointed out the heavy ad placements of products endorsed not only by Vic and Kris Aquino. He also added that Vic wasted the trust given to him by the public as one of the showbiz’ most powerful personalities.
Open Letter to Vic Sotto by Lourd de Veyra (Originally published at spot.ph):
Dear Bossing Vic Sotto,
Una sa lahat, happy new year.
Magpapakilala muna ako. Ako po si Lourd de Veyra. Fan ako ng Tito, Vic, and Joey bago pa lang ako natutong magsulat—kung tutuusin, kaya kong magsulat ng academic thesis tungkol sa mga pelikula ninyo (Ang kaibigan kong direktor na si R.A Rivera ang gumawa naman ng undergraduate dissertation sa UP tungkol sa mga pelikulang pinagtampokan nina Joey at Rene Requiestas. Naka-uno daw siya kay Dr. Nicanor Tiongson). Kaya kong magdiskurso tungkol sa parodic element ng Ready… Aim… Fire at Forward March laban sa estado ng kapulisan at militar nung ’80s. Puwede rin nating pag-usapan ang Doctor, Doctor I Am Sick bilang isang satirikong pagpuna sa medical malpractice (genius ang eksenang kinukunan ng 1,000 cc ng dugo si Palito), ang mga surrealistikong katangian ng Fly Me to the Moon, ang pagsubvert ng Kabayo Kids sa imahen ng Japanese superhero groups at paghihinete sa Pilipinas, ang Ma’am May We Go Out bilang isang critique ng Philippine educational system, etc.
Continue reading here: An Open Letter to Vic Sotto
Thank you for reading this post! If you like this post, please share it on Facebook, Twitter or Google+. Invite us to your events and gatherings for a write-up or coverage: press/blog conferences, product launching, food tasting, demonstrations, exhibits, advocacy events, etc. If you have something to say – comments, suggestions, reactions, don’t hesitate to post a comment below. For more, email us at aolionheart@yahoo.com
1 Comment
Dear Press People,
Ako po bilang isang manunood ay walang karapatan na manghusga ng kapwa pero sa aking mga napapanuod at nababasa ay dapat lang siguro na magkomento ako tungkol sa mga hindi magagandang nasusulat about My Little Bosasings.Ang pelikula ay hindi tipikal na komedya may halo po iyong drama ayon sa aking pagkakaunawa,ang mahalaga kasi ay yung makita at maunawaan ng isang manunood ang mensahe at aral na maaaring matutunan sa pelikula.
Nakakatuwa kasi kahit maikli lang ang story ay may magagandang aral naman na napupulot ang mga moviegoers.Hindi dapat husgahan ang pelikula kaya ka nga nanunood ay para intindihin kung saan tumatakbo ang story.Walang dinaya ang casts at production ng My Little Bossings.Ang mahalaga sa amin ay marami ang napasaya ng pelikula at ng bumubuo ng pelikula.
Kung ikukumpara ang My Little Bossings sa ibang pelikula na ang bida ay mahilig manlait at puro kayabangan ang pinaiiral di bale na lang?Sa lahat kasi ng sireynang sumikat sa showbiz si Vice Ganda lang ang lumaki ng husto ang ulo at naging mayabang like Willie Revillame.Hindi ko gusto ang inaasal ng sireyna kaya hindi ko pinanuod ang kanyang movie na Girl Boy Bakla Tomboy.
Tumutingin ako sa ugali ng artista at hindi sa kung sino ang nagproduce ng pelikula,isa pang bagay na dapat maunawaan ng sambayanang Pilipino sa pagpili ng artistang hahangaan DAPAT TAMA.Kahit na ano pang panlalait at paninira ang gawin nila sa pelikula ni Bossing Vic Sotto ay susuportahan ko pa rin ito dahil busilak ang puso nya at laging tumutulong sa mahihirap.Tunay at totoong tao at kaibigan si Bossing dahil pinatunayan nya na kahit sa likod ng camera handa syang dumamay at tumulong ano man ang panahon.
Yan ang taong dapat tularan at hangaan ng mga tao at ng mga baguhang artista sa henerasyon ngayon at hindi si Vice Ganda na puro pambubully lang ang ginagawa.Wala sa ganda o pangit ng kwento ng pelikula yan nasa artistang gumaganap.Kung ang artistang bida sa pelikula ay walang hiya at hayop ang ugali kahit pa sabihin mong maganda ang movie nya hindi ako mag-aaksaya ng panahon na panuorin yon.Para sa akin at sa buong pamilya ko dito sa Tacloban ang tunay na number one sa puso ng mga Pilipino ay walang iba kundi si BOSSING,ikaw na da best ka.Salamat po Bossing dahil kahit gaano pa katindi ang pinagdaanan namin pinasaya mo kami at hindi mo kami kinalimutan isa kang magandang huwaran.Number one din sa amin ang EAT BULAGA na nagbibigay pag-asa sa mga Pilipino.