Gaganap si Lovi bilang si Lovella, isang bastarda o illegitimate child ni Roel Villacorta (Gary Estrada). Kwento ito ng pagsisikap ng isang anak para patunayan na karapat-dapat siya’ng tanggapin ng prominenteng pamilya ng kanyang ama.
“‘Yung character ko as Lovella, malayo s’ya sa mga characters that I’ve played before. Katulad na lang kay Natasha sa Legacy, usually palaban kasi yung characters na pino-portray ko.” Ang tinutukoy ni Lovi ay ang primetime serye kung saan ang role n’ya ay isang spoiled brat.
“This time, ibang Lovi ang makikita dahil she knows her rights pero she’s kind of weak sometimes,” kwento ng Kapuso actress. “Pero eventually, matututo rin s’ya lumaban,” dugtong niya.
Hindi naman lingid sa karamihan na hindi nalalayo ang kwento ng buhay ni Lovi sa role na kayang gaganapan. Anak si Lovi ng legendary actor Fernando Poe Jr. kay Rowena Moran. “Medyo nakaka-relate ako kay Lovella dahil we practically had the same phases siguro na pinagdaanan. But then, knowing her rights, knowing when to fight, parehas kami when choosing our battles,” pag-amin ni Lovi.
Base sa mga na-tape na nilang eksana, pinaka-mahirap daw so far ay ang eksena niya kasama ang veteran actress na si Liza Lorena, ang kanyang lola sa kwento. “Hindi kami okey kasi hindi n’ya ako tanggap. So medyo mahirap ‘yung mga eksena na ginagawa namin. It’s sometimes very sad kasi maraming makakarelate dito,” malungkot na kwento ng dalaga. “It’s just like opening old wounds,” dagdag pa niya.
Ngunit kung gaano naman daw ka-bigat ang mga eksena nila on-cam ay kabaligtaran naman ang siste off-cam. “Masaya yung set namin, everyone’s really game. Kahit seryoso ‘yung mga tao, may time para magkulitan. And I think it’s very important para mabuo yung chemistry naming lahat,” saad ni Lovi.
First time maka-trabaho ni Lovi sina Gloria Romero at Cesar Montano. Na-starstruck daw siya lalo na kay Cesar, na magiging isa sa love interests n’ya sa istorya. “Medyo nakaka-intimidate nga s’ya because he’s a very good actor at dati pinapanood ko lang s’ya. I’m just really glad to share the screen with him,” ayon sa aktres.
Bagamat ikatlong drama serye na ito ni Lovi sa Kapuso network, halos lahat naman ng genre ay nasubukan na niya. Ume-ere sa GMA News TV ang docu-drama na pinagbibidahan rin niya, ang Titser. Nasabak na rin si Lovi sa indie scene sa Thy Womb, maging sa comedy via Temptation Island at horror naman sa Tiktik: The Aswang Chronicles at Shake, Rattle and Roll 14. Ano pa kaya ang nais idagdag ni Lovi sa kanyang fimography?
“I wanna play a psycho girl. I wanna play that kind of character. Medyo dark yung gusto ko para iba naman. Or isang babae na may split personality, parang ganon. I think it’s very challenging. Doon ko siguro ma-te-test yung sarili ko kung kaya ko na mag-portray ng characters na iba-iba at the same day,” tugon ni Lovi.
Wala pang nakagagawa ng ganoong role sa Philippine film o TV at sa versatility na taglay ni Lovi, tiyak na pag nabigyan ng pagkakataon ay magiging outstanding ang performance ni Lovi sa challenging role na ito.
Wag kaligtaang abangan ang unang gabi ng Akin Pa Rin Ang Bukas simula na sa September 9 sa GMA Telebabad. I-like at i-follow ang official pages ng programa sa https://www.facebook.com/AkinPaRinAngBukas, at https://twitter.com/GMAakinparin.