TRANSCRIPT:
Jessica Soho: Naghihilom ang lahat ng mga sugat pero may mga sugat na hindi lang matagal maghilom, kung hindi nag-iiwan pa ng panghabangbuhay na pilat. Gaya na lamang po ng ‘rape’ o panggagahasa. Sa lahat ng kultura saan mang sulok ng mundo, mula noon hanggang ngayon, isa pa rin sa pinakamatinding salot sa sangkatauhan lalo na sa mga kababaihan ang karumal-dumal na krimen ng panggagahasa. Sa Pilipinas, hindi bababa sa tatlo ang narerape kada araw. Ang mas matindi pa, rape din ang numero unong krimen na bumibiktima ngayon sa mga bata. Mas mataas pa nga raw ang bilang na ito kung tutuusin lalo na’t hindi naman lahat ng biktima handang ihayag ang hindi makataong karanasan sa madalas mapanghusga pang lipunan. Sa tantiya ng United Nations sa kada limang babae ngayon sa buong mundo, isa ang na-rape na o maaaring ma-rape pa lamang. Sa ngayon ay patuloy pa raw tumataas ang bilang ng biktima ng panggagahasa. Kaya naman isa po itong paksa na dapat hinding-hindi maging laman ng mga biro.
1 Comment
ayaw mo pla ng rape joke, e di bantayan mo din shows nyo s GMA!