Aminado ang komedyante na hindi niya naranasan ang luho nung kanyang kabataan kaya naman ngayon, to the highest level ang mga mamahalin niyang gamit. Branded na sapatos at bags ang laman ng kanyang closet. Mismong si Solenn nalula sa mga presyo, mayroon lang namang bag si Ruffa Mae na nagkakahalaga ng dalawang milyong piso!
Ang aktres na si Alessandra de Rossi naman, susubukan ang isang relaxing spa gamit ang chocolate! Aalamin din niya kung ano ang mga bagay na kulay ng damit para sa mga mga morena o mala-tsokolate ang skin tone tulad niya.
Ang buhok nga raw ang crowning glory ng isang babae kaya naman dapat araw-araw, paiba-iba ang hairstyle. Pero hindi na kailangang magpa-salon! Sa pinakabagong segment ng Fashbook, ang S List o Solenn’s List, ituturo ni Solenn ang limang paboritong niyang hairstyles na siya lang mismo ang gumagawa sa sarili niya. No sweat at walang kahirap-hirap, new hair…new look!
Makiusyuso sa closet ng mga sikat. Alamin ang uso sa beauty at fashion. Ilabas ang iyong ganda. Huwag palalampasin ang Fashbook ngayong Miyerkules, 10pm sa GMA News TV.