Tama! 8:15AM eere ang AHA! ngayong Linggo ng umaga para sa mas pina-agang trip down the history lane!
Para sa ating pre-Independence Day Science AHAdventure, hahanapin ng ating mga Ka-AHA ang ilang bakas ng kasaysayan noong panahon bago natin nakamit ang tunay na kasarinlan. Si Doorah d’ Lakwatsira magke-cave hopping! Papasukin niya ang mga kuwebang naging kuta raw ng mga katipunero gaya ni Gat. Andres Bonifacio at maging ang unang pangulo ng repulika na si Gen. Emilio Aguinaldo.
And speaking of Gen. Aguinaldo, AHA-lam nyo ba na may natatagong sikreto ang kanyang tahanan sa Kawit, Cavite ? Ibubunyag sa atin ‘yan ngayong Linggo!
Anu-ano kaya ang mga uri ng sandata na kanilang ginamit sa pakikipaglaban? Ipapakita ng AHA! ang mga sinaunang kagamitan ng mga ninuno at ang bisa nito pang-depensa! At ang galing daw ng mga old-fashioned weapon, maaari mo rin daw i–apply gamit ang iyong home stuff laban sa masasamang loob? AHA-lamin kasama si Ka-AHAng Rocco Nacino!
Magfi-feeling Phil. Air Force crew din si Rocco! Aalamin n’ya kung paano paliparin ang pinakabagong fighter chopper ng Hukbo--ang Sokol helicopter. Hanggang saan nga ba ang aerial territory ng bansa? Paano natin malalaman kung lumalampas tayo sa ating teritoryo habang nasa himpapawid?
Iyan at marami pang ibang kuwento ng K-AHA-LAYAAN SCIENCE sa mas pina-aagang AHA! ngayong Linggo, 8:15AM sa GMA-7.