(Published as is)
Chickboy Scandal
Date of Scandal: November 21, 2011
Time of Scandal: 3:54-4:00pm
Place: ChickBoy Timog
A Break-Up letter from an Upset customer
Dearest ChickBoy,
I’ve been a biggest fan of you. I love your chicks, I love your boys. I love your chicken and i love your baboys, I even love your nilasing na hipon and your sinigang sa miso na salmon. I chose to have an affair with you because you seemed to have a cool place plus the staff seems to be nice and definitely you’ve got good food! You were my trophy then. I tried to brag you around my friends.I can see how they envy me whenever i am with you.
Pero ngayon ko lang nakilala ang totoong CHICKBOY. Kung sino ka, at kung pano mo ko tratuhin. Dalawang linggo na ang nakakalaipas mula ng pinakain mo ako ng ginisang kangkong na may pagka-laki laking bulate o caterpilar o kung ano man yun.
Gusto ko lang ipaalala sayo kung ano ang mga pangyayari nun, nung hindi mo ko hinarap. Matapos kong umorder pati ang kasama ko ng dalawang lechong liempo,isang regular ice tea, at isang botomless,pati na ang bago niyong labas na salmon sashimi at siyempre pa,hindi mawawala ang pagkasarap sarap na ginisang kangkong. Ang total bill namin ay 358php…Sa pagkakaalam ko yung lang ang inorder ko at hindi kasama ang bulate.
Nagyon habang ngasab ako ng ngasab sa aming kinakain, napansin ng kasama ko na oily yung kangkong. sabi ko “Masarap nga yun, oily”. nung tinikman ko, ok naman, para lang may petroleum gelly ka lang na kinakain with kangkong, pero ok lang. kumain pa rin kami, may natira pang konti sa kangkong sabi ko ako nalang uubos sayang. Tapos Bigla nalang may sumulpot na mahaba at mataba na nilalang sa kangkong. sabi ko “Ano to?”, sabi ng kasama ko “Ay, baka talong”. Natawa pa ko, sabi ko “Ang galing may libreng talong!” Sinubukan kong hiwain ito sa pamamagitan ng tinidor, pero ang kunat nito. hanggang sa itinihaya ko ito. At sa pagtihaya ng nilalang, tumambad sa akin ang kanyang mga paa at pati ang mukha nito na parang nagsasabing ” Alam mo this time pwede kang magreklamo, tutal nasipsip mo na buong pagka bulate ko, at isa pa obvious naman na ang laki ko”.
Alam mo Chickboy hindi naman ako mahirap ka relasyon, sa totoo lang hindi ko alam kung malas lang ako sa mga ganitong bagay, kasi dati sa ibang kainan, may ipis na maliit na kasama sa pagkain ko, langaw, uod na maliit.. Pero ito naman, sobra naman sa laki na imposibleng hindi mo makita! So, siyempre sa hitsura pa lang siguro naman ok lang na mag complain ako no? pati nga mga waiters niyo nagulat sa sobrang laki, yung iba nga kinuhaan pa ng picture. Tapos yung supervisor niyong hindi ko itatago ang pangalan na si Glaiza, namutla talaga, tumawag kagad sa Management. halos ayaw na kong harapin. ang sabi lang niya sa akin. “Mam, paltan nalang ho namin yung kangkong” what??? Sa tingin mo ba kakain pa ko ng mga pagkain niyo pagkatapos ng lahat? na nasipsip ko na ang buong pagkabulate ng nilalang sa kangkong ko?. Kumalma naman ako, pero yun pa rin ang sinabi ko. sabi niya “Ma’m ano ho bang gusto niyo?”.
Strike 2!
siyempre sinagot ko “Ang gusto kong malaman kung bakit may malaking bulate sa kangkong ko at hindi niyo nakita!”. Lalong namutla yung Glaiza at sabi “Mam babayaran nalang po namin lahat ng kinain niyo”. Mainit pa ang ulo ko, pero tumango nalang ako. Pero binawi ko rin ito after awhile, mga limang minuto, kasi gusto ko nalang i take out ang kangkong na may bulate. Malapit ko na sanang palampasin ng dumating ang magiting niyong head waiter na di ko na alam ang pangalan.
Sabi ko kasi kay Glaiza, i take out ko yung kangkong na may bulate.E ayun na nga, etong si head waiter sumabat na ang sabi “Mam, wait lang ho, kasi nirereview ho pa namin yung sa cameras, kasi may mga naka-install na cameras dito eh”
Strike 3!
Ah ganon, hindi ako tanga, at alam ko kung ano ang gusto mong sabihin pwes inunahan ko na. sabi ko “Mabuti pa i review niyo ng malaman niyo kung sino naglagay ng malaking bulate sa kangkong ko! at makita niyo rin kung gaano ako sumuka pagkakain ko ng kangkong niyo!, akin na, akin na ang tinake out kong kangkong na may bulate!” aba strike 4 humirit pa ang waiter na ito at sinabing “Naku, mam pag ho binayaran na kayo hindi niyo na ho makukuha yung kangkong.”
Strike 4!
Aba, ako pa pala ang mukang pera. eto ang sabi ko “Kuya, di ka ba nakikinig? sinabi ko na kanina pa kay Glaiza, na di na ko magpapabayad ng kinain namin ang gusto ko lang yung kangkong na may bulate! ngayon, ibigay mo sa akin yung kangkong ko kasi binayaran ko yon!kaya akin na ang kangkong na may bulate!” hindi na nakaimik pa si kuya at ang lahat. edi nataranta kayo ngayon. May meeting ako nung hapon ding iyo at kailangan ko ng umalis. Sabi ko” Excuse me, may meeting pa ako babalik ako mamayang gabi, at mamayang gabi ibigay niyo na sa akin ang kangkong na may bulate at ipakausap niyo nalang sa akin may ari nito para hindi na kayo ma mroblema” . Sa totoo lang naawa pa ko, dahil mga tauhan lang sila at hindi nila alam kung anong gagawin sa mga ganitong sitwasyon.
So bumalik nga ko kinagabihan.. Pinaharap niyo sa akin yung isa niyo pang supervisor o pang gabi, sabi niya tinapon na raw yung kangkong na may bulate, pero tinawag ko yung Glaiza. Sabi niya “Ay mam hindi pa ho namin tinatapon”, ano ba yan sobrang halatang nagsisinungaling kayong dalawa.. So si supervisor or manager na pang gabi, inexplain sa akin kung ano ang proseso niyo ng pagluluto ng kangkong. Sabi ko, nasa proseso ba ng pagluluto ang paghuhugas ng gulay?. You’re not getting my point. Since wala kayong maisagot, nilagay niyo ko sa isang tabi tapos bumalik kayo kasa ang isang food checker at dalawang pulis.
Akala ko yung pulis, yung kami ang nagpadala, since na reklamo na namin sa kamias station na wala rin naman palang nagawa. Ngayon, ang akala ng mga pulis na ito masisindak niyo ko, well well well nagkamali ka..dahil sa pagkakataong ito ako ang tama at ako ang complainant! at sasabihin pa sa akin ng mga pulis na ito na, ang mali ng isa ay hindi mali ng lahat…ang point dito may sinabi ba akong ganun? ang point dito bakit may bulate sa kangkong ko!
tapos hihiritan pa ako, na may food checker kayo, na one year na kayong operational. Tinanong ko siya kung siya ang manager, hindi ko na hinintay kung tumango man siya o hindi. sabi ko
” Pwes ang pangit ng management niyo! Alam niyo, kung kayo takang taka kung bakit may bulate sa kangkong ko, mas lalo na ako!Dahil NASIPSIP KO LANG NAMAN ANG BUONG PAGKABULATE NIYA. Ngayon, kung iniisip niyo na ako ang naglagay ng nilalang diyan, sana man lang hindi ko ginisa sa kakainin kong kangkong at lasap na lasap ko ang laman ng bulateng yan! ngayon, kung ayaw ibigay sa akin ang kangkong kong may bulate, kumuha kayo ng limang bulate at sipsipin niyo sa harap ko ok na ko! hindi niyo na kailangang kainin yung balat tutal yung laman lang naman nakain ko!”
Ayun, natahimik kayo..nag alisan na sila,medyo natawa pa nga sa monologue ko. Tapos in the end after more than 30 min of waiting. nag reklamo na ako at kailangan kong umalis. Yung mga pulis, niyaya ako sa loob ng room. Pumunta naman ako at sinundan ako ng kasama ko.
At tong mga pulis nato ang unang tanong..”Ano ho ba ang gusto niyo?” pwes sinagot ko siya ” kuya, paulit ulit? pa-ulit ulit? ikaw ang sumagot ng tanong mo! ang gusto ko yung kangkong na may bulate”! tapos natahimik siya, sinabi niya na mam, kasi medyo napataas ang boses niyo dun sa labas.
Nilaksan ko ang boses ko na pang main theater ng ccp..sabi ko,” Ako pa ngayon ang may kasalanan!ako na nga nakakain ng bulateng pagkalakilaki! at isa pa, una sa lahat, bakit niyo kasi ako nilagay sa gitna ng mga customers niyo? at isa pa, bakit ikaw ang kausap ko? part owner ka ba ng chickboy?”ayun natahimik ang pulis patola.. sabi ng kasama ko. “bakit ba kampi kayo sa kanila eh kami ang complainant! at isa pa kaya gusto namin kunin yung kangkong na may bulate kasi gusto namin kayo ireklamo sa BFAD. bigyan lang ng leksiyon.”
Sabi ko.”alam niyo, kung kayo nag SORRY nalang hindi na siguro nangyari yung ganito!” papano, ang yayabang pa, napaka defensive kagad. hindi aminin ang mali! sabi ng pulis..”mam, di pa ho ba sila nagsorry?” sabi ko “hinde!!!inexplain niyo lang naman sa akin ang tungkol sa pagnenegosyo, kung papano dinedeliver ang mga gulay niyo at kung papano niyo pinapatakbo ang chickboy!!!”….
Anyway, bago pa makagawa ako ng gulo, pinakalma na ko ng kasama ko at aalis nalang kami…gusto ko lang sabihin sa’yo CHICKBOY na wag niyo kong lekturan sa pagnenegosyo mag seminar muna kayo ng TUNGKOL SA SANITATION, HOW TO DEAL WITH CUSTOMERS, AND HOW TO BE HUMBLE!
At sa tingin ko dapat rin kayo manood ng mga bagong episodes sa KNOWLEDGE CHANNEL UPANG MALAMAN NIYO KUNG PAPANO ANG TAMANG PAGNENEGOSYO AT MALAMAN ANG “BATUKTALI” sa pagnenegosyo! 10 episodes yun. Panoorin niyo LAHAT!
At ngayong pasko lalo na’t maraming pamilya ang mag bonding sa labas at definitely kakain, sana Maging maiingat kayo sa mg pagkaing sineserve niyo. At kung mangyari muli yun, isipin niyo ang kung kayo ang nasa posisyon ng customer. Minsan naiisip ko, nung sa karinderya ako kumakain, wala pa akong na experience na ganito. Kung kelan sa mga mas mahal at mas established pa na restaurant, dun pa pumapalya!
At para sa yo CHICKBOY I’m ending this relationship! Gaya ni KC and Piolo, Ni Rhian at ni Mo twister I’m ending this relationship with a bang! Full of controversy.
Goodbye CHICKBOY may you rest in peace just like the poor HUMONGOUS CATERPILLAR WHICH COULD’VE BEEN A BEAUTIFUL MARIPOSA, ONLY IF I HADN’T EATEN IT.
P.S.
BTW, sent you some pics as a souvenier!!! Enjoy!!
Not yours anymore,
The Customer who ate Kangkong with BULATE
35 Comments
whatever!
hahahah, Habang binabasa ko ang Break-up letter na ‘to,iisa lang ang pumasok sa isip ko,ang husay nyo pong mag story-telling,feeling ko kaharap ko kayo habang kayo ay nagsasalita..hahahah…Shame on you Chic-Boy!
arte nman nito..napaka first world problem mo…at ito pa, napaka pride mong tao
i share your sentiments…it happened to me twice in different resto kaso peace loving sobra mga kasama ko kaya di me nakahirit….pinigilan ako….nice blog….eewww
iba nman encounter s mang inasal nman…ngserve ng soup n wlang lasa as in khit asin man lng wla tlgang lasa…prang pinkuluang tubig lng n kulay brown…nkalimutan daw ilagay ung knor powder,,,wahaha
good sanitation should be always be implemented.. people pay for pricey food for the confidence that they ate good quality food!
Akin na ang kangkong ko na may bulate^______^
Imposible yan sinasabi mo napaka imposible talagang hindi makikita ng cook kung ganyang kalaki bulate caterpillar or mariposa isa akong cook at alam ko pag nag gisa ka ng kangkong na may bulate makikita at makikita mo kung ano niluluto mo. malamang isa kang bayaran para maglagay ng bulate in the first place bakit nung una pa lang kinain ng kasama mo yung kangkong bakit hindi nya nakita eh, bakit nung konti na lang tsaka lumitaw ang bulate malamang nilagay mo. tsk pera nga naman. good luck stop crab mentality hayaan natin umangat ang iba wag puro sarili isipin,. pinoy nga naman. ganda ng kwento mo halatang pinag isipan..
curious lng po… ano po lasa ng BULATE?
this post has been unanimously annoying our selves.caterpilar……san ba nakatira o habitat ng mga ito….sa kanin ba…o sa karne…halaman di ba….? nakakairita lng, somehow you need to be aware of where these stuff are coming from…normal sa isang gulay ang magkaroon ng caterpilar….andun na tayo, it was their fault of not maybe trying to check all of the stuff but come on…does it hurt anyone? the only problem in here is that you’re overreacting…..you do over react if u see an earthworm on this served kangkong nor ipis or daga….because these are not really supossed to be in there…..but the caterpilar…come on…they are just trying to survive thats why it hid itself to the kangkong so no one will see itself….parang ikaw din yan pag gutom….ggawin mo lahat makakain ka lng…..literally, mas malinis pa ang caterpilar sa atin, mas healthy, kasi vegetarian sila
Doesn’t Get fresher than that. hahaha
arte much. iba ang higad sa bulate. ang OA nung sumulat. at least walang pesticide ung kinain nya.
kung nasipsip mo sya Ms. Blogger bakit parang BUO pa sya, wla man lang sa hitsura na nasipsip sya?
WINNER!! ganda ng letter, hahah
kung ung higad eh mas maliit pa sa hiwa ng kangkong, pwede png d makita, peo pag ganyan klaki dapat nahiwa n nung hiniwa kangkong
sa domedepensa sa Chic-boy na yan, nasasabi mo lang yan kasi hindi mo pa nararanasan makakain ng ganyan, sana di mangyari sayo yan…makakain ka sana tulal sabi ng iba malinis…di kainin mo!,normal nga sa gulay ang ganyan bulate o kung ano man yan pero sa tao di normal kumain nyan…sus tao nga naman kawawa naman ung nakakain … kung pera nga yan tanong nagkapera ba? todo reklamo nga kasi walang akyon yan o nag ooperate pa din request nyo na lagay na din sa menu nila, malinis naman pala saka normal sa gulay…. dahilan nga naman
Meron lang dito 2-3 persons na nagcomment, malamang taga-chic-boy sya kasi pikon, hehehe tapos same yung msg nya,iba lang ang pagkakasabi.. hahahah wala na, sira na image ng chic-boy, grabe tong black propaganda na to, or kung totoo man, kasalanan din ng mga service crew.. tatanga-tanga. heeheh buti nga hindi dinuraan yung kangkong eh..
its very normal to foodchains…OA…come on give CHIC-BOY a chance, its a business, let’s support philippine restaurant, lets support filipino entrepreneurs, hindi lagi ang mga chinese restaurants or mga iba pang dayuhan
kht saan naman may ganyan, sa chowking nga kumain ako ng braised beef na may bangaw akala ko paminta, pinalitan nalang nila ng iba and of course libre may takeout pa. Isolated case lang yan. What I did is I never went back to that branch kasi nga contaminated na food nila. You should do the same blogger at wag mo na palakihin. Thanks for the info though
I would really like to get the original file. Something is odd, pictures are ‘so’ protected. You can’t even see what camera was used and when. Staged? X)
sa mga nagcocomment sa kanya na OA siya. eh kung kayo kaya makakita ng bulate sa kinakain nyo? matutuwa kayo? think about it. mas ma pride pa kayo kaysa sa kanya. TAMA lang po ang ginawa niya.
Naiintindihan ko ung sentiment nya… kung ung kinakain nyo kaya may ganyan!! Nakabalita na ba kyo ng namatay dhil ung kinain nyang gulay may peste? Unang una kalusugan nya nkasalalay dyan… kung s akin mangyari yan ganun din ang gagawin ko…
very entertaining basahin siguro Writer po kayo 🙂 parang actual ang usapan hehe, Haay Fan din ako ng Chic-Boy sarap nung Lechon Sisig eh, at mahilig din ako sa Ginisang Kangkong yan nga lagi veggie ko pag sa Chowking ako nakain.. nakakapandiri lang talaga yung sa Chic-Boy ewww [img]http://www.clker.com/cliparts/l/N/V/b/l/v/sick-smiley-hi.png[/img]
unang una walang may gusto ng nangyari at walang nakakaalam kung san galing ang uod na un to think na china-chop ang mga sangkap nun dapat chop na din ang uod. ano ba ang gusto ni customer? nag offer naman ng refund diba or kapalit ng food. kahit ma stroke ka sa galit wala ka na magagawa. things happen. walang perpektong restaurant, hotel o kahit anong negosyo. maaring mag reklamo oo totoo yun. Pero ang ginawa mo na ito ay maaring ibalik sa iyo. ang ikalat ang litrato at pangalan ng chic-boy. hindi kasalan ng chic-boy, ng may-ari o ng manager on duty. oo meron may gumawa nito pero hindi na natin malalaman yun. maari kang mahabla sa ginawa mo. hindi naman pagkato mo ang nasira, walang nagkasakit o namatay. nakakadiri tama ka pero bilang consumer o customer ang mag reklamo lang ang dapat natin gawin. ang mag habol ng kapalit o refund. pero ang sirain ang pangalan at reputasyon ng ninoman ay wala tayong karapatan. sana matigil na ang ganitong gawain na “cyber harassment or bullying”. mag dedemanda daw ang chic-boy.
Naku… ikaw kaya ang lumagay sa posisyon ng customer na halos nilantakan yung KANGKONG na yun na halos dilaan yung plato tapos nakakita ka ng ganung kalaking bulate/higad/catterpillar at kung anu-anu pa… papaputol ko dalawa kong kamay… mas OA pa reaction mo sa kanya… kasi kung ako yun baka pinagmumura ko na sila…. mapapalitan ba ng refund at take-out yung trauma at kahihiyaan ko sa nangyari… at ang CHICKboy pa ang mag dedemanda dahil sa CYBER BULLYING… go ahead… sila pa mayabang ah… bilang customer… pumunta ka sa isang kainan para kumain, masatisfy, masarapan… yung perang yun.. pinaghirapan mo.. tapos ganun yung experience mo… dapat sa kanila mabigyan ng corrective action… and by reading this article.. I WILL NEVER EAT IN CHICKBOY KAHIT LIBRE OR KAHIT SA GUNI-GUNI.. DI KO PAPANGARAPIN!…
AND BY THE WAY… yang mga PULIS KAMIAS NA YAN… MGA PULPUL talaga yan… yung nag snatch nga sa akin ng cellphone nakatakas ng dahil sa kanila eh… ako pa daw may kasalanan… di daw ako nag iingat…. MALAS ng blogger… CHICKBOY + PULIS KAMIAS…. hay naku…
hay nuka ang tatanga nio.
nangyayari tlga yn crew aq dati,
pagmasungit,maarti or mayabang ang customer binababoy ang pagkain nia
at pag crew ka. lalo na pagmaraming customer gagawa k ng paraan para mapabilis k baka d nahugasan ng maigi ung kangkong.kayong kumakampi sa
chic-boy wag sana mangyari sa inyo kc pg s inyo nangyari pnigurado mas matindi pa gagawin nio…tama b q….
tamaaaaaaaaaaa………;););)
yung iba dito kung mag comment akala mo okay lang na yung pagkain nila may caterpillar.. eh kung sa inyo kaya mangyari yun??? may point yung gumawa nug blog na to dahil customer sya at dapat nililinis mabuti yung sineserve na food at sa ganung kalaking higad hindi nakita??
hindi kaartehan yung sinisigurado mong malinis ung pagkain mo dahil binayaran mo ito.
well sa experience ko sa mang inasal eh may itlog ng langaw at kaka serve lang sken.
so beware sa mga fastfood chains at i examine nyo ma buti ung pagkain bago nyo ngasabin.
grabe ang hina ng comprehension nung nag comment na cyber bullying!! ung customer pa ang cyber bullying ngayon? may sinabi ba ung gumawa ng blog na hinikayat nya ung mkakabasa nito na wag ng kumain sa chicboy?? magabasa mabuti bago mag react please!!
malamang utak nun nasa talampakan! alam mo ung freedom of speech and of the press?? anong ikakaso sa gumawa ng blog aber?
minsan kasi gumamit din tyo ng utak!
Ang arte mo naman teh! Malas mo lang 😛
may opinion naman very possible un worm kumapit s kangkong di cguro napansin nun cook kc kulay green pro if ever nman nluto na un di nman nkakamatay masustansya nman un kc gulay din kinain nya..hehe but sympre kadiri p rin lalo na first time mong mkatikim ng worm..
anong lasa ng caterpillar? baka naubosan sila ng ipis kaya caterpillar nlang yung nilagay….anyway hindi ka nman mamatay nyan…kaya charge to experience ka nlang…..
to chicboy:
sana damihan nyo pa ng caterpillar….
ang engot nman ng GUMAWA ng STORY na yan!!
parang nde kapani-paniwala!
nung umpisa plang.
HINDI mo ba alam ang ITSURA ng TALONG at KULAy nito KAPAG NILUTO??
at katangahan mo pang KAININ yun?>
TAPOS magREREKLAMO ka??..
At SINIP-SIP mo pa?
AT NASARAPAN ka pa ATA??
TAPOS MAGREREKLAMO ka?
gsto mOng siraan ang CHICBOY na yan!
hahah!
PERO! eye opener ka din sa NAGING AKSYON nila sa REKLAMO mo!
pero, mali talagang AKALAIN mo ang TALONG na un eh.. CATERPILLAR pla..
tsk tsk..
talkative ka..so shut up and eat the wormy!!
mukhang nilagay lang eh… masyado malaki ang caterpillar para di manotice ng mga cook… kung sa bagay sa fear factor nga kinakain yan eh hehehe
di kaya taga INASAL ka hahahaha