Nakita at kinagiliwan na natin sila sa kanilang pagsayaw sa pelikulang ”Happy Feet,” pero ganito nga ba talaga ang mga penguin sa totoong buhay?
Aalamin iyan ni Kuya Kim ngayong Linggo (Nov 20) sa kanyang pagpasok sa mundo ng penguins sa isa na namang exciting na adventure sa ”Matanglawin.”
Pupunta nga ang Trivia King sa Manila Ocean Park para kikilanin ang naturang mga hayop na namumuhay sa lugar na pawang yelo. Paano nga ba sila namumuhay doon at sino pa ang mga kasama nila sa kanilang mundong napakalamig?
Ang “Matanglawin” ay isang multi-awarded educational program na pinangungunahan ng Trivia King na si Kim Atienza. Sa nagdaang mga taon, nagbahagi at patuloy pa rin itong nagbabahagi ng kaalaman sa mga manonood nito sa maraming paksa tulad ng mga hayop, kalikasan, pop culture, atbp. Dito nasaksihan ng lahat ang mapangahas na Kuya Kim humiga sa kabaong, tumira sa gubat, pumunta sa bunganga ng bulkan, nasakmal ng bayawak, at pinasakan ng tubo sa ilong ng sumailalim sa laryngoscopy.
Tunghayan ang isa na namang kapanapanabik na adventure kasama si Kuya Kim ngayong Linggo (Nov 20) sa “Matanglawin,” 9:30 AM sa ABS-CBN.