Sa mga aberya sa peryahan, sino nga ba talaga ang nagkulang at dapat na managot?
Babalikan ni Ted Failon ang naganap na aksidente sa peryahan sa Riverbanks Mall noong 2006 at kukunin ang panig ng namatayan at pamunuan ng mga perya sa bansa ngayong Sabado (Nov 26) sa ”Failon Ngayon.”
Nang nagpaalam ang kanyang mga anak na may bibilhin lang sa mall, lingid sa kaalam ng amang si Greg Picardal na perya pala ang sadya ng dalawa na siya namang maglalagay sa kanilang buhay sa alanganin.
Sinundan ni Greg ang mga anak ng mapansing matagal na itong nawawala at ng madatnan sa perya, kitang kita niya na kumalas ang isa sa kamay ng ”Octopus” na sinasakyan ng dalawa.
Isang buwang naka-confine si Kimberly habang pumanaw naman ang noo’y 14 taong gulang na si Kristine.
Sa kabila ng trahedyang ito, buwelta ng presidente ng National Owner’s Organization of Mini Fairs and Amusement (NOOMA) na si Leonora Konischi sa panayam ni Ted na dapat mabigyan sila ng suporta ng gobyerno ng sa gayo’y mamintina nila ng maayos ang kanilang rides.
Kasalukuyang nasa ikalawang taon na ang ”Failon Ngayon” ng paghihimay ng pinakasariwang mga isyu at pagbibigay aksyon at solusyon sa mga kasong tinalakay na nito sa programa.
Tunghayan ang buong kuwento ni Ted Failon ngayong Sabado (Nov 26), 5PM sa ABS-CBN.