Nakapagtaping na ang pinakabagong project nina Robin Padilla at Vhong Navarro sa Kapamilya Network. Ito ay isang sitcom na malamang daw ay ilagay sa weekend. “Toda Max” na raw ang title ng show na ito.
Si Angel Locsin ang kauna-unahang guest ng show na ito na dapat sana ay sa pilot episode lang. Pero dahil nagustuhan ang guesting ni Angel Locsin sa sitcom na ito, sa second episode ay mapapanood pa rin si Angel.
Sigurado raw na mapapatawa kayo sa bago na namang sitcom na ito ng ABS-CBN.