Ngayon ang 18th birthday ng Startstruck Alumni na si Sarah Lahbati at nagkaroon siya ng birthday production sa Party Pilipinas kanina. Sa ngayon ay napapanood siya sa telebabad series na “Time of My Life” at inaasahan siyang mawawala na sa seryeng iyon sa pagkakaroon niya ng bagong soap.
Si Sarah Lahbati na nga ang magiging bida sa remake ng 1989 movie ni Rachel Lobangco at Gabby Concepcion na “Kokak”. Naipalabas na rin ito sa isang episode ng “Wansapanataym” ng ABS-CBN kung saan si Cristine Reyes at Luis Manzano ang nagbida.
This time ay isang soap na talaga kung saan si Sarah Lahbati ang magbibida na sinasabing papalit sa afternoon soap na “Pahiram ng Isang Ina” sa Dramaram sa Hapon ng GMA7.