Masayang-masaya na ibinalita ng Star Cinema at Viva Films ang gross ng unang apat na araw ng “No Other Woman” na pinagbibidahan nina Derek Ramsey, Anne Curtis at Cristine Reyes. Tumabo na raw ito ng mahigit sa 70M at lalo pa raw nadagdagan ang mga sinehan kung saan ito ay palabas ngayon. Ang unang araw naman nito ay nakapagtala ng 15M sa unang araw ng pagpapalabas sa mga sinehan sa buong bansa.
Sa katunayan nga raw ay ito ang kauna-unahang Pinoy movie na nagkaroon ng 4 na sinehan sa iisang mall ng mga SM branches.
Hindi apektado ang pelikulang ito ng dalawang malalakas na bagyong Pedring at ang pinakahuli ay ang Quiel. Palabas pa rin ang pelikulang ito sa mahigit sa 100 theaters sa buong bansa!
2 Comments
wla lang kcng magandang movies na kasabay ,,, much better sana kung c anne ung wife than kay C.R. much effective sana ung role…
ang galing ni Anne at Derek mush better kung cla ung real couple….. sayang!! congrats sa inyong dalawa!!!