Magiging aktibo na ulit si Isabel Oli sa showbiz at nakita natin siya sa Party Pilipinas kanina at naghost. Balita nami’y isa na ngayon siyang Viva artist at huli natin siyang nakita sa telefantasyang “Captain Barbell” kung saan isa siya sa mga support nito.
Isa si Isabel Oli noon sa mga nagsulputang stars na inakalang sisikat ng husto dahil nga naman sa charming ito at may talent talaga. ‘Yun nga lang, hindi naging ganun ang nangyari at mga supporting roles na lang ang mga sumunod niyang ginampanan.
Maliban sa Party Pilipinas, kasama rin si Isabel Oli sa bagong serye ng Kapuso Network na “Daldalita” at malapit na itong magsimula ng airing sa GMA7.