Seryosong roles na ang gagampanan nina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Joyce Ching at Kristoffer Martin sa kanilang bagong serye sa GMA7 na “Ikaw Lang Ang Mamahalin”.
Ito ang modern remake na ginampanan noon nina Angelika dela Cruz, Sunshine Dizon, Sherwin Ordonez at Cogie Domingo. Kaya naman kabado ang Tweens na ito dahil sa kanila ipinagkatiwala ang malaking project na ito.