Balik tambalan muna sa ilang episodes ng “Spooky Nights” ang dating magkaloveteam noon sa teleseryeng “Hiram” ng ABS-CBN sina Geoff Eigenmann at Heart Evangelista bago sila isalang sa isa na namang drama soap na pagtatambalan din nila.
Kahit papaano ay nagkaroon din ang loveteam na ito ng solid following kaya naman siguradong marami na rin ang nag-aabang sa muli nilang patatambalan na soap. Sa ngayon ay sa “Spooky Nights” muna sila tuwing Sabad ng gabi habang naghihintay sa pagsisimula ng kanilang bagong projects sa Kapuso Network.