Ang TAPE, Inc. owned teledrama na “Valiente” na unang ipinalabas sa ABS-CBN noong 1992 hanggang 1995 na nalipat naman sa GMA7 noong 1995 at nagtapos noong 1997 ay muling bubuhayin ng TV5.
Ngayong second week daw ng October magsisimula ang taping nito kung hindi maaantala at si Direk Joel Lamangan ang magdidirek na ngayo’y nasa TV5 na from GMA7. Huling serye niya sa Kapuso Network ay ang “Pahiram ng Isang Ina” na hanggang ngayon ay umeere pa rin.
Wala pang balita kung sino ang mga gaganap sa pangunahing tauhan nito lalo na ‘yung mga roles na unang ginampanan nina Michael de Mesa at Tirso Cruz III.