Pagkatapos ng appearance ni Tanya Garcia sa epikseryeng ‘Amaya’ ng GMA7 na hudyat ng muli niyang pagbabalik sa showbiz industry, mapapanood muli siya sa isa namang drama na pagbibidahan nina Joshua Dionisio at Barbie Forteza.
Nanay ni Barbie Forteza ang role ni Tanya Garcia sa bagong drama show ng GMA 7 na may pamagat na ‘Ikaw Lang ang Mamahalin’ at umpisa na ito ng pagtanggap ni Tanya ng mother roles.