Wala sa presscon ng ‘The Biggest Loser’ ang host na si Sharon Cuneta nang iharap sa entertainment press ang Fab Five (see the article here) noong Tuesday sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.
Malakas kasi ang balita na after ng paglipat ni Mariel Rodriguez (see the article here), ang Megastar naman ang susunod sa kanya. Baka nga raw kung matuloy ito sa Kapatid Network ay dito na ito magcecelebrate ng kanyang birthday na yearly ay may special presentation sa ABS-CBN.
Pero inassure naman ang press na si Sharon pa rin daw ang magiging host ng ‘The Biggest Loser : Pinoy Edition Season 2’. Dahil mukhang hindi naman siya exclusive na magiging Kapatid.