Mananatili ngang Kapamilya si Sarah Geronimo at muli siyang pipirma ng kanyang kontrata anytime soon as confirmed ng kanyang manager na si Boss Vic del Rosario ng Viva Artist Agency (see the link). Kumpirmado rin na magkakaroon din siya ng sariling show sa ABS-CBN. “Once a week show. Maganda ang concept, maaaliw ang mga viewers,” sabi ni Boss Vic.
Bukod sa solo show, sinisimulan na rin ni Sarah ang movie with Gerald Anderson na sequel sa kanilang super successful na pelikulang Catch Me, I’m In Love. At next year na sabi ni Boss Vic gagawin nina Sarah at John Lloyd Cruz ang reunion movie nila. Valentine ang target date ng movie. October naman ang target playdate ng Sarah-Gerald na kasalukuyan na ngang nagsoshooting.