Lalo kasing lumalakas ang mga balitang nakikipag-ugnayan na ito sa Kapatid Network lalo na nang magkaroon ito ng pagpaparamdam sa programa ni Willie Revillame sa TV5 na WilTime BigTime. Kasama pa rin bilang host ng noontime show ng ABS-CBN na Happy! Yippie! Yehey! si Mariel at sa E-Live!
Ang partner naman niyang si Robin ay kasama pa rin sa teleseryeng Guns and Roses na malapit na ring magtapos. Balitang hindi raw ito nagclick sa publiko at mababa ang nakukuha nitong ratings.
Ito nga ba ang dahilan para mag-alsabalutan ang dalawa at umalis na ng ABS-CBN?