Hindi natin maikakaila na si Nora Aunor pa rin ang nag-iisang Superstar sa dami ng mga pumunta kanina sa Red Carpet Premiere ng kauna-unahang Mini-serye ng TV5 na ‘Sa Ngalan ng Ina’. Dagsa ang iba’t-ibang mga fans ng Superstar sa SM The Block kanina para suportahan ang kanilang idolo sa muli nitong pagbabalik sa TV.
Tampok sa mini-seryeng ito sina Bembol Roco, Rosanna Roces, Eugene Domingo, Ian De Leon, Nadine Samonte, Raquel Villavicencio, Karel Marquez, Alwyn Uytingco, Edgar Allan Guzman, Joross Gamboa, Jay Aquitania, Eula Caballero, Christopher De Leon at Nora Aunor. Mario O’Hara at Jon Red ang napiling magdirek ng seryeng ito.
Abangan ang pagsisimula ng dekalibreng drama na ito ng TV5 ngayong October 3, 2011 sa TV5!
7 Comments
Congratulations sa TV5 and kay Nora Aunor
that is so you, ms Nora!
welcome back to the industry 😀
mom says she’s looking forward on seeing you act again. .
uy Manay Nora! bisitahun mo man po uli ah Iriga City! We miss you po
Go, Superstar!
punta po kayo sa alumni homecoming natin sa UNEP ha?? :))))))