Ang A Mother’s Story ay istorya ng isang ina na iniwan ang kanyang pamilya sa Pilipinas upang makapagtrabaho sa ibang bansa bilang OFW o overseas Filipino worker. “Proud kami na ginagawa namin ito. Alam namin na hindi lahat ng artistang kagaya ko, nabibigyan ng ganitong proyekto na talagang ikaka-proud ko bilang isang ina at dating OFW,” seryosong pahayag ni Pokwang.
“Ito na po mga Kapamilya all over the world, kami po ay kumakatok sa inyo para sa A Mother’s Story. The best lang po ang ibibigay ng Star Cinema at TFC para sa inyong lahat, October 12 po,” paanyaya pa ng komedyante.