Pagkatapos ng guesting ni Christopher de Leon sa kauna-unahang mini-serye ng Superstar na si Nora Aunor na ‘Sa Ngalan ng Ina’ sa TV5, balik-Kapamilya na siya (see the article here)
Dalawa sa mga kinikilalang Kapamilya top leading men na sina Piolo Pascual at Jericho Rosales ang makakasama ni Christopher de Leon sa isa na namang dekalibreng drama. Unang napabalitang ‘Sa Ngalan ng Ama’ ang title ng teleserye pero napalitan na raw ito sa ‘Padre de Pamilya’ dahil ang naunang title ay may pagkakahawig sa title ng serye ng TV5.