Pagkatapos ng pagganap ni Christopher de Leon sa dramaserye ni Nora Aunor sa Tv5 na ‘Sa Ngalan ng Ina’, balik-Kapamilya na siya at una raw niyang gagawin ang ‘Padre de Pamilya’ kung saan ay makakasama niya ang mga top Kapamilya leading men na sina Jericho Rosales at Piolo Pascual. Kasama rin daw sa teleseryeng ito si Paulo Avelino na kalilipat lang mula sa Kapuso Network.
Wala pang announcement kung sino-sino ang mga babaeng makakasama sa seryeng ito na ngayon pa lamang ay napakalaki na ng expectations dahil sa laki ng mga artistang kasama rito. Ang seryeng ito raw ay ipapalabas sa Primetime Bida.
1 Comment
Go!kapamilya!u’re d best!!!