Isa talaga sa pinakamatatagumpay na primetime series ngayong 2011 ay ang ‘Munting Heredera’! Kitang-kita naman ‘yan sa dami ng extensions na ibinigay mismo ng Kapuso Metwork at ang hindi matibag-tibag na ratings nito sa anumang timeslot nitong mapuntahan.
May solid following na talaga ang seryeng ito kaya naman hindi nakakapagtakang kahit saang timeslot pa ito ilagay ay talaga namang tinututukan pa ito.
Isa sa mga pakakaabangan sa extension nito ay ang pagdating ng mga bagong characters. Isa na dito ay ang character ni Boots Anson-Roa (see the link) na mula sa katatapos pa lamang na teleseryeng ‘Minsan Lang Kita Iibigin’ ay sasabak naman sa drama sa ‘Munting Heredera’.