Marami ang nalungkot nang mabalitang papatayin na ang character ni Mikael Daez sa ‘Amaya’ bilang Lumad. Papatayin daw ang character ni Mikael dahil papasok na ang bagong character at ito naman ay gagampanan ni Aljur Abrenica (see the article here).
Pero huwag naman daw mag-alala lalo na ang mga tagahanga ni Mikael dahil may bago itong proyekto sa Kapuso Network. Pang primetime pa rin daw ang papasukin niyang bagong serye na pagbibidahan naman nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos (see the article here).
Pagkatapos ng epikseryeng ‘Amaya’ ay sa horror-serye naman na ‘Sundo’ raw ang bagong project ni Mikael.