Bubungad na ang mga bagong panggising sa umaga ngayong Lunes (Setyembre 5) alas-singko ng umaga sa TV5. Sanib-pwersa na ang new-improved Sapul sa Singko (5am-7am) at ang bagong ka-kwentuhan ng mga misis, Kumare Klub (7am-8am).
Pagpatak pa lang ng alas-singko ng umaga, sapul na sapul na ang mga balitang dapat niyong malaman at may pakinabang kasama sina Martin Andanar, Chiqui Roa-Puno at Amy Perez. Baon naman nina Shawn Yao, Atty. Mike Templo at Lourd de Veyra ang mga impormasyon at komentaryong kukumpleto sa araw niyo.
Samantala, lilibutin ni Makata ang buong bansa para sa mga istoryang kawili-wili habang chika at intriga naman ang hatid ni Pat Fernandez. Bubusugin din kayo ng mga bago at easy recipe suggestions kasama sina Lourd de Veyra at Chef Francis Tolentino. Easy workouts naman ang ihahain ni Lia Cruz sa Active Mornings. Samantala, si Ariel Villasanta ang bagong takbuhan ng mga pusong sugatan sa Love Hurts.
Pagsapit ng alas-siete ng umaga, mga misis naman ang bibida sa Kumare Klub kasama sina Tiyang Amy Perez at Nyora Chiqui Roa-Puno. Ipakikilala na rin sa Lunes ang bagong kumareng makakasama sa makabuluhang usapan. Ihahatid ng Kumare Klub ang isang oras na hitik na hitik na mga impormasyon at solusyon sa mga everyday concerns ng mga nanay.
Simulan ang umaga sa masayang barkadahan at makabuluhang kwentuhan sa TV5 hatid ng bagong Sapul sa Singko at Kumare Klub simula ngayong Lunes (Setyembre 5).