
Paanong nagiging perpekto ang pag-ibig?
Paanong ang kapusukan ay nagiging mali?
Paanong ang pag-ibig at kapusukan ay nakapagbabago?
Ipinagkakapuring ihandog ng Star Cinema at Viva Films ang isa na namang nakakaantig na kwento ng pag-ibig na sasagot sa mga katanungang ito sa kanilang bagong pelikulang “No Other Woman”.
Mula sa direksyon ni Ruel S. Bayani, ang kwento ng “No Other Woman” ay tumatalakay sa kalaliman ng pag-ibig, kapusukan, panlilinlang at obsesyon. Ipinagmamalaki din ng pelikula ang pagsasama-sama ng mga pinakamaiinit na aktor ngayon, sina Anne Curtis, Derek Ramsey at Cristine Reyes sa pinaka-mapanghamon nilang pagganap!
Si Anne Curtis ay si Kara Zalderiaga, Isang bata, maganda at mayamang babae na kayang kunin at kukunin anuman ang kaya niyang naisin. Kahit marami nang nakarelasyon, si Kara ay ‘di pa nakararanas ng totoong pag-ibig. Para sa kanya, ang buhay ay isang laro at ang “pag-ibig”, walang saysay. Ngunit sa kanyang puso, si Kara ay patuloy na naghahanap ng ‘di lamang magnanasa sa kanya kundi ng isang tunay na pagmamahal.
Si Derek Ramsey ay si Ram Escaler, isang magiliw at determinadong asawa na ang tanging ambisyon ay makapagbigay ng isang masaganang buhay sa kanyang pamilya at patunayan sa buong mundo ang kanyang sarili. Para kay ram, ang kanyang pagpupursigi ang magpapalaya sa kanya at sa kanyang pamilya sa anino ng kanyang lalaking biyenan at ng kanyang amang umiwan sa kanila.
Si Cristine Reyes ay si Charmaine Escaler, ang magandang “perpektong” asawa, masinop at mayumi. Mahalaga sa kanya ang kung anong sasabihin ng iba at isasapuso niya ang kanyang papel bilang asawa. Para kay Charmaine, hindi niya hahayaan ang anuman at sino man na sumira sa “perpektong” mundo na binuo niya para sa kanyang pamilya.
Paanong mababago ang buhay nilang tatlo? Paanong ang walang pakialam na kerida ay magiging makapit sa tanging lalaking naniwala at tumanggap sa kanya? At paano niya maaatim na sirain ang pangalan ng kanyang sariling pamilya ng lalaking tanging minahal niya? Paanong ang isang butihing asawa ay madadala sa kapusukan at magagawa ang pinakamalaking kasalanan sa buong buhay niya? Paano ipaglalaban ng isang “perpektong” asawa ang kanyang pamilya na hindi siya magiging isang taong hindi na niya kilala? Sa gitna ng tensyon, eskandalo, komprontasyon at kanilang mga emosyon, matututunan nilang tatlo ang isang leksyon na babago sa kanilang lahat habangbuhay.
Para kay Anne, ang pagganap bilang isang kerida ay walang dudang isang matapang na hakbang. Nasanay na tayong lahat na makita siyang gumanap sa mga papel na “wholesome”. Ang makita siya bilang isang Kara ay tunay ngang dapat na abangan! Para naman kay Derek, ang maging tanging bidang lalaki ay isang “first”. Kung sa kanyang mga nakaraang pagganap ay parati siyang third “party”, ngayon ay siya na ang nasa gitna ng atensyon, ang lalaking pinag-aagawan! Sa wakas, patutunayan ni Derek na kaya niya at siya nga ang ultimate “leading man”! At para naman kay cristine, maaaring sabihin na walang bago kung siya ang gumanap bilang isang kerida dahil sa kanyang “sexy image”. Ngunit sa “No Other Woman”, isang bagong Cristine ang makikita natin bilang ang asawang nilinlang at ipakikita niya sa lahat na siya at siya lang ang “perfect” para sa papel na ito at walang iba!
Pag-ibig, kapusukan, panlilinlang at obsesyon. ‘Yan ang “No Other Woman” na tiyak na magpapaliyab sa ating lahat sa pagpapalabas nito sa higit na isandaang sinehan sa buong bansa sa September 28, 2011!
Share
Comments