Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na hindi masyadong tinanggap ng mga manonood ang pinakabagong teleseryeng kinatatampukan nina Robin Padilla at Bea Alonzo sa ABS-CBN Primetime Bida!
Katunayan dito ang mababang ratings na nakukuha nito kumpara sa pinalitan nitong programa. Talong-talo ito ng katapat na programa sa kabilang network sa AGB Nielsen at kahit sa Kantar Media ay kitang-kita na talaga namng hindi ito masyadong tinatanggap sa timeslot nito.
Nasa huling buwan na ngayon ang Guns and Roses nina Bea Alonzo, Robin Padilla at Diether Ocampo kaya tutukan daw dahil marami pang maaaksyong eksenang mapapanood.

