Noong nakaraang araw ay ginanap ang presscon para sa nalalapit na pagtatapos ng reality-series na ‘The Biggest Loser : Pinoy Edition’ na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.
Lahat sila ay may kanya-kanyang opinyon sa sa mga ibinato sa kanila ng entertainment press pero iisa lang ang kanilang kinatatakutan. Agree ang Fab Five na sina Angela, Art, Hazel, Larry at Raffy na ang kanilang kinatatakutan ay ang pagbalik ng kani-kanilang mga timbang. Natikman na nga nila ang saya sa pag-kakaroon ng magandang katawan, at sa hirap ng kanilang mga pinagdaanan para ma-achieve ito, hindi naman talaga nakakatuwa kung babalik pa sila sa dati nilang timbang.
Sino kaya kina Angela, Art, Hazel, Larry at Raffy ang magiging kauna-unahang Pinoy Biggest Loser? Sa October 8, 2011 na ang Grand Finale at malalaman na dito kung sino ang magiging kauna-unahang Pinoy Biggest Loser na gaganapin sa Ynares Stadium sa Pasig.