Nasa ika-20 taon ngayon ang MMK o kaya’y dalawang dekada ang drama anthology na ito ng ABS-CBN kung saan host ang kasukuyang president ng kumpanya na si Charo Santos-Concio. Inilabas nila sa documentary nila na ipinalabas kagabi sa isang 2-hour documentary special sa ‘Sunday‘s Best’ ng ABS-CBN.
Inihayag nila ang mga tumatak na mga episodes ng programa simula nang to ay umere sa Philippine TV at ang mga taong nakailang-ulit na sa pagganap sa programang ito. Nanguna sa listahan si Eula Valdez na nakapagtala na ng 32 episodes. Nasa ibaba ang listahan ng top 10 artists na nagkaroon na ng pinakamaraming bilang na pagganap sa longest drama anthology na ito sa Pilipinas.
The top 10 artists na pinakamaraming ginampanan sa programa:
10. Tirso Cruz III- 15 episodes.
9. Romnick Sarmienta- 16 episodes.
8. Jodi Sta. Maria- 17 episodes.
7. Jean Garcia/Carlo Aquino- 20 episodes
6. Gina Alajar/ Jennifer Sevilla- 21 episodes.
5. Albert Martinez / Gardo Versoza / Gina Pareno – 22 episodes
4. Joel Torre / Rio Locsin – 25 episodes
3. Cherry Pie Picache – 30 episodes
2. Ricky Davao – 30 episodes
1. Eula Valdez – 32 episodes