Inaasahang ngayong umaga ang dating sa Pilipinas ni Nora Aunor. Lulan siya ng PR 103 ng Philippine Airlines na lalapag sa Centennial Airport sa ganap na 4:16 a.m.
Kahit na ang tagal nawala ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor, marami pa rin ang muling nananabik na makita siya. Iba pa rin ang karisma ng isang Nora na kahit na anong issues ang mga lumabas sa kahit na anong pahayagan, ay hindi pa rin nawawala ang paghanga ng kanyang mga tagasuporta.
Iba talaga kapag minahal ka ng tao hindi dahil sa iyong hitsura lamang kundi dahil sa iyong angking galing at husay sa pag-arte at pagpapakita mo ng pagmamahal sa iyong mga fans.
Mabuhay ka Nora at goodluck sa muling pagbabalik mo sa bansa!