Bago pa man umalis si Angel Locsin sa Kapuso Network, maugong na ang balitang siya ang magbibida sa dapat na sana’y TV remake ng movie na ito ni Hilda Koronel.
Dahil wala na si Angel Locsin sa GMA7, napabalitang inalok na ang project na ito kina Katrina Halili, Jennylyn Mercado at Nadine Samonte. Pero kahit na isa sa mga ito’y hindi natuloy at hanggang plano lang.
Ngayong 2011, nakuha na ng Viva Films ang rights ng movie na ito mula sa panulat ni Carlo Caparas, dalawa ang maugong na pangalan para gumanap dito, ang dalawang nagreyna bilang FHM’s sexiest – si Sam Pinto at Angel Locsin.
Batay sa ating poll na ginawa noong isang araw (see the link), landslide ang botohan at si Angel Locsin ang mas pinaboran. Mangangahulugan kaya itong para kay Angel na talaga ang project na ito na this time ay movie na?