Hindi pa rin talaga mamatay-matay ang balita sa paglipat ni Sarah Geronimo kahit na si Sarah na mismo ang nagkukumpirmang wala siyang balak maglipat ng istasyon.
Halos isang buwan nagbakasyon itong si Sarah sa US kaya matagal din siyang hindi napanood sa Sunday afternoon variety show ng ABS-CBN na ASAP Rocks. Kamakailan ay dumating na siya sa Pilipinas at nagkaroon ng appearance sa ASAP at doon nagcelebrate ng kanyang birthday. Parang tinuldukan na niya ang mga haka-hakang maglilipat ng istasyon.
Sa ngayon ay dalawang linggo nang hindi napapanood ang Pop Princess sa ASAP. Ayon sa handler ni Sarah, katatapos lang nitong mag-concert sa Australia kaya hindi nag-aapir sa programa ng Kapamilya every Sunday. Nagpapahinga pa muna ito sandali dahil sa pagod na rin ng pagkakaroon ng series of concerts hindi lang sa US kundi pati na rito sa bansa.