Ilang Linggo lang ang nakakaraan ay napabalitang nagbabalak nang lumipat itong si Paulo Avelino from GMA7 to ABS-CBN (see the link). At noong isang araw lang ay natuldukan na ang katanungang ito dahil nagkaroon na nga ng mga negosasyon sa pagitan ng kampo ni Paulo at ABS-CBN (see the link).
Hinabol rin pala ng GMA7 si Paulo dahil nakitaan naman ito ng potensyal sa pag-arte at talagang pangleading man ang dating niya. Ang GMA7 ang nakadiskubre kay Paulo thru Starstruck at kahit na hindi siya ang nanalo doon ay binigyan siya ng chance na magkaroon ng sariling serye at ‘yun nga ay ang “Alakdana”.
May kinamumuhian daw na isang taga-GMA 7 si Paolo. Kung hindi raw dahil sa taong ito ay malamang na hindi niya lilisanin ang Kapuso network. Kung ang current manager daw ni Paolo ang masusunod ay mas gusto niyang manatili ang alaga sa Kapuso Network, pero nirerespeto niya ang desisyon ng kanyang alaga.