Iba pa rin talaga ang nag-iisang Supertar na si Nora Aunor. Ang tagal niyang nawala sa eksena pero ngayon sa pagbabalik niya ay talk of the town na naman siya! Iba pa rin talaga ang karisma ng isang artistang minahal ng tao hindi dahil sa kanyang hitsura kundi na rin sa kanyang galing sa pag-arte at pakikisama sa mga kaibigan at lalong-lalo na sa kanyang mga fans.
Kabi-kabila ang kanyang mgainterviews at kabi-kabila rin ang mga reports mula sa tatlong malalaking channels sa bansa. Kahit na sa TV5 na siya nakakontrata ay pwede pa rin naman daw siyang lumabas sa ibang channels.
Ang magiging unang TV series ni Nora sa TV5 ay ang Donya Negra na magtatagal lang daw ng isang buwan. In-explain ni Perci Intalan ng TV5 na eksaktong one month lang ang gagawing serye ni Ate Guy sa TV5. Kumbaga, para itong made for TVmovie. Almost a million per taping day daw ang talent fee ng Superstar na talagang masaya naman sa muli niyang pagbabalik sa bansa.