Nagsimula na raw gumiling ang camera sa kauna-unahang mini-series at kauna-unahang serye ng Superstar na si Nora Aunor sa TV5. ‘Sa Ngalan ng Ina’ na raw ang final title nito (see the link).
Marami na nga raw ang nag-aabang at malaki ang expectations sa seryeng ito lalo na’t lahat halos ng makakasama ng Superstar ay mga bigatin plus ang istorya raw na talagang pinaghirapan at pinag-isipan.
Makakasama pa ng Superstar sina Christopher de Leon, Eugene Domingo at Rosanna Roces at ito nama’y idederehe ni Mark O‘ Hara na una niyang nakasama sa ‘Tatlong Taong Walang Diyos’ noong 1980s pa.