Natanong si Marian Rivera kung ano ang magiging celebration niya ngayong malapit na ang kanyang birthday.
“Sabi ko, ayoko nang magarbo. Basta kasama ko family ko at si Dong, okey na! Hindi ko pa alam. Pero si Dong kasi, ang plano niya, kukunin niya ang lola ko. Saka si Mama. Basta ang isang araw ko, kanya lang daw!
“Hindi ko nga alam. Alam mo naman ‘yon. Pero this Sunday, ise-celebrate namin sa Party Pilipinas nang sabay ang birthday namin at pupuntahan namin ang mga fans namin. Hindi ko pa alam,” pahayag niya.
Manood kayo ng Party Pilipinas dahil magkakaroon ng bonggang birthday presentation ang dalawa!