Hindi ba siya nagkakaroon ng kaba? Lahat kasi ng mga aktres na nakakatrabaho ni Dingdong, nagkakaroon ng intrigang pinagseselosan diumano ng girlfriend nitong si Marian Rivera.
“Ay, hindi naman!” sabi ni Lovi.
“Si Marian, alam naman niya ‘yon in the first place na trabaho lang.
“And magkaibigan kami. At parang ate ko na siya. So, wala.
“Hindi naman siya ‘yong type na magri-react kaagad.”
Kung sabagay, balitang may sinabi naman si Marian na if theres’ someone na aprub sa kanya na makatrabaho ni Dingdong, si Lovi nga raw ‘yon.
Ano ang masasabi niya rito?
“Wow! Thankful naman ako. Kasi nga, since ate ko naman siya.
“At saka wala naman sa kanya ‘yon, e. Siguro kahit sino [na makatrabaho ni Dingdong].
“Hindi naman siguro totoo ‘yong nang-aaway siya ng nakakapareha ni Dingdong,” sabi pa ni Lovi.