Tuloy na tuloy na nga ang ‘Kung Aagawin Mo Ang Langit’ na pagsasamahan nina Michelle Madrigal at Carla Abellana. Si Paulo Avelino ang original leading man dito na pinalitan ni Mike Tan dahil nga lumipat na sa Kapamilya Channel si Paulo.
Makakasama pa nila sina Ricky Davao at Sharmaine Centena sa seryeng ito na may original na title na ‘Magkaagaw’. Ang ‘Kung Aagawin Mo Ang Langit’ ang nakatakdang pumalit sa timeslot na iiwan ng ‘Sisid’ sa Dramarama sa hapon ng GMA7.