Pagkatapos madiscover ang loveteam at pumatok sa stage play ng Party Pilipinas na “Wazak”, heto na naman ang tambalan nina Julie Anne San Jose at Elmo Magalona na mas kilala sa name na “JuliElmo” para magpakilig sa ating lahat.
Dating ipinangako ng GMA na magkakaroon ng “Wazak the Movie” bilang clamor na rin sa mga hinaing ng fans dahil sa tagumpay ng stage play ng “Wazak” sa Party Pilipinas. Hindi naman ito natuloy dahil na rin sa hindi alam na dahilan pero ngayon daw ay tuloy na tuloy na at “Just One Summer” na raw ang final title.
Maraming nag-akala na magkakaroon ng JuliElmo moments sa movie na magbubukas sa sinehan next next week na “Tween Academy: Class of 2012” kaso hindi possible dahil magkacameo role lang si Julie Anne dito.
Sa January 2012 daw nakaset ang movie na ito bilang initial offering ng GMA Films sa taong 2012.