Hindi lang basta isang aktor kundi singer pa ang mas lalo pang sumisikat na si JM de Guzman. Ngayong Linggo magtatapos ang pinagbibidahan niyang “Mula sa Puso” ng ABS-CBN pero kahit na patapos na ito ay mayroon pa siyang pinagkakaabalahan.
“Carried Away” ang carrier single ng self-titled album ni JM De Guzman sa Ivory Music. Sariling composition ni JM ang Carried Away na dedicated sa isang non-showbiz girl na nakilala niya noong 2005. Thankful si JM sa Ivory Music dahil sa tiwala at suporta sa kanya. Hindi inaasahan ni JM na mabibigyan siya ng pagkakataon na makapag-record ng sariling album.
Ikinatuwa rin niya ang mainit na pagtanggap sa kanya ng fans sa mall shows niya noong weekend. Base sa sales at reaksyon ng mga tao, hindi malayo na maging gold agad ang debut album ni JM.