Kagagaling lang pala ni Glaiza de Castro sa sakit na flu noong nakita natin siyang nagperform sa sunday variety show ng GMA7 na Party Pilipinas. Isa raw si Glaiza sa mga nagkasakit sa taping ng Amaya dahil nga sa hindi magandang panahon. Isa pang nagkasakit sa set ay si Gardo Versoza.
Last Sunday, pinilit lang talaga ni Glaiza na mag-report sa Party Pilipinas. Kailangan kasing andoon siya para sa production number. Nakaharness pa siya sa opening ng show at nakasayaw pa siya ng hataw na hataw. Si Glaiza kasi ang tipo na hindi marunong tumanggi sa trabaho.