Gumigiling na ang caemra ng kauna-unahang “advocacy-serye” ng ABS-CBN na Budoy. Bida rito si Gerald Anderson na gaganap bilang isang mentally-retarded. Si Budoy (na gagampanan ni Gerald) ay isang isip-bata na ang pag-iisip ay maitutulad sa 10 year-old na bata. Para kay Budoy, wala pong mali para sa kanya, walang mali sa mundo, lagi siyang masaya. Lahat mahal n’ya pero hindi siya tanggap ng mga tao dahil nga iba siya, dahil may diperensya siya. At diyan iikot ang buhay ni Budoy.
Budoy is a family drama, about friendship, loyalty ng isang tao. Marami kayong matutunan sa teleseryeng ito.
Makakasama ni Gerald dito sina Janice de Belen, Tirso Cruz III, Ms. Zsa Zsa Padilla, Ms. Mylene Dizon, Jessy Mendiola at marami pang iba.